^

Police Metro

Dalagita, 3x ni-rape ng kapitbahay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naglakas loob nang magsumbong ang isang 13-an­yos na dalagita sa kanyang ina laban sa kanilang kapitbahay na nanghalay sa kanya sa ikatlong pagkakataon sa loob ng kanilang bahay sa San Andres Bukid, Maynila.

Ang suspek na dinakip at nakakulong na ngayon sa Manila Police District-Children and Women  and Children Protection Unit (MPD-WCPU) ay kinilalang si Albert Morillo, 27, jobless at residente ng no. 1664 Onyx St., San Andres, Bukid.

Sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Jenny, Grade VII na siya ay hinalay ng suspek noong Disyembre 15 dakong alas-9:00 ng gabi.

Mahimbing umanong natutulog  ang biktima sa kaniyang silid nang magising ito dahil sa panghihipo ng suspek sa kaniyang maseselang bahagi ng katawan at  nang magmulat ay nasa harap niya ang suspek at hinalay siya. Nang nakaalis na ang suspek ay nagsumbong na sa ina ang biktima na nagsumbong naman sa mga pulis at dinakip ang una.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang  biktima ay pangatlong beses nang ginahasa ng suspek na ang una ay noong Nobyembre 23, ng umaga  na nagkunwaring hihiram ng cellphone charger, subalit pinasok siya sa kuwarto at doon isinagawa ang pang-aabuso.

Ang ikalawang pagkakataon naman ay naganap noong Disyembre 8, dakong alas-6:00 ng  umaga at hindi rin nagawang manlaban ng dalagita dahil muli siyang pinagbantaan na papatayin at ang kanyang ina.

vuukle comment

ACIRC

ALBERT MORILLO

ANG

BUKID

CHILDREN PROTECTION UNIT

DISYEMBRE

LUMALABAS

MANILA POLICE DISTRICT-CHILDREN AND WOMEN

ONYX ST.

SAN ANDRES

SAN ANDRES BUKID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with