^

Police Metro

Senglot pisak sa killer truck

Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki na sinasabing senglot na nakatulog sa kalsada matapos itong masaga­saan ng dump truck sa Barangay Nantawakan, bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp. Larry Pinkihan, hepe ng Kasibu PNP ang biktima na si Camilo Habiling, 30, ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon umano ng bayanihan sa nabanggit na barangay kung saan dinaluhan ng ilang kalalakihan kabilang ang biktima at nagkainuman.

Gayon pa man, bandang alas-8 ng gabi ay nagpaalam ang biktimang lango na sa alak na uuwi sa Sitio Domang suba­lit ilang minuto pa ay nadaanan ng ilang kalalakihan na nakatulog sa gitna ng tire path ang biktima.

Dakong alas-11 ng gabi naman nang dumaan ang dump truck na minamaneho ni Barangay Kagawad Henry Tayaban sa nabanggit na lugar kung saan hindi sinasad­yang masagasaan ang biktima.

Hindi umano agad nakita ng driver ang biktima dahil sa nasa loob nito ng pababang bahagi ng kalsada.

Huli na nang makita ng driver na pamangkin niya ang nasagasaan na agad naman isinugod sa pagamutan subalit idineklarang patay.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY KAGAWAD HENRY TAYABAN

BARANGAY NANTAWAKAN

CAMILO HABILING

CHIEF INSP

DAKONG

KASIBU

LARRY PINKIHAN

NUEVA VIZCAYA

SITIO DOMANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with