^

Police Metro

2 call center agent patay sa sagasa

Mer Layson at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang call center agent ang nasawi sa magkahiwalay na aksidente sa kalye sa magkahiwalay na lugar sa Pasig City at Batangas City.

Sa Pasig City, namatay agad ang biktimang si Alkier Maranan, nasa hustong gulang, empleyado ng Transcom, bunsod nang tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan matapos na masalpok ng fish deli­very truck (PPG-709) na minamaneho ni Danilo Gabitano habang tumatawid dakong alas-3:00 ng madaling-araw sa C5 at Ortigas Avenue, Barangay Ugong.

Iginiit ni Gabitano na hindi naman mabilis ang kanyang takbo ngunit nabigla siya nang biglang tumawid ang biktima at tangkain niyang iwasan ay nahagip pa rin ito.

Sa Batangas City, hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 21-anyos na call center agent na si Jul Calalo, residente ng Villa de Jesus  ng lungsod makaraan itong  masagasaan ng isang rumaragasang bus sa harapan ng isang hospital sa Diversion Road, Brgy. Bolbok, Batangas City dakong alas-3:25 ng madaling araw.

Arestado naman ang driver ng bus na si Miguelito Lusuegro, 41, driver ng Jam Liner  (DVX-439)  na nahaharap sa kasong kriminal.

Base sa imbestigasyon, bigla na lamang tumawid sa highway ang biktima na hindi ito napansin ng driver dahilan madilim pa ang paligid.

vuukle comment

ALKIER MARANAN

ANG

BARANGAY UGONG

BATANGAS CITY

DANILO GABITANO

DIVERSION ROAD

JAM LINER

JUL CALALO

MIGUELITO LUSUEGRO

ORTIGAS AVENUE

PASIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with