^

Police Metro

Suspek sa mag-asawang grinanada, arestado

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadakip kahapon ng umaga ang isa sa mga suspek na namaril at naghagis ng granada sa mag-asawang Marlito at Liezel Morales sa Brgy.Bayog, Los Baños, Laguna noong Lunes.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Donald Dela Rosa, 30, na natunton ng tracker team ng Laguna police sa Brgy. Gabun, Lasam sa Cagayan na isa sa bumaril at naghagis ng granada sa mag-asawa.

Ayon kay Senior Supt. Florendo Saligao, hepe ng Laguna provincial police, positibong tinukoy ng mga saksi si Dela Rosa nang ipakita sa kanila ang mga larawan nito sa Facebook.

Una nang sinabi ng mga otoridad na aabot sa dalawa hanggang tatlong suspek ang nasa likod ng pagpatay sa mag-asawang Morales.

Magugunita na noong Lunes ng umaga nang pagbabarilin at hagisan pa ng granada ng mga suspek ang nakaparadang Toyota Avanza (ULQ 484) na sinasakyan ng mag-asawa na naging dahilan para masunog ang mga ito.

Bukod sa granada, dalawang uri ng baril ang ginamit sa pagpatay sa mag-asawa-isang kalibre .45 at isang 9-millimeter pistol.

Narekober ng mga otoridad sa pinangya­rihan ng krimen ay ang bugkos ng perang nagkakahalagang P100,000.
Sinsilip ng pulisya ang anggulo ng droga sa kaso ng mag-asawang Morales matapos na matukoy na mga kilalang ‘drug perso­nalities’ sa San Pablo City, Laguna na ang o­perasyon ay umaabot rin sa Quezon, Batangas at iba pang lugar sa lalawigan ng Laguna.

Nakatakdang sampahan ng kasong murder ang suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

DELA ROSA

DONALD DELA ROSA

FLORENDO SALIGAO

LIEZEL MORALES

LOS BA

MGA

SAN PABLO CITY

SENIOR SUPT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with