^

Police Metro

Opisina ni Bongbong may tama ng bala

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadiskubre kamakalawa na may tama ng bala ang salaming bintana ng tanggapan ni Senador Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. na matatagpuan sa Sunset View Towers, Roxas Boulevard, Pasay City.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Pasay City Police at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa tanggapan ni Marcos sa   tama ng bala ng  glass window nito.

Ang glass window ay eksaktong nakatapat sa recei­ving area, na  dating ginagamit na desk ng Senado.

Hindi pumasok ang bala sa kuwarto dahil may metal plate na nakaharang sa salamin at durog-durog na tingga na lamang buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang na-recover.

Inaalam pa kung sinadya ang pamamaril o accidental firing lamang ito. Nabatid na bandang alas-3:00 kamakalawa ng hapon nang maganap ang insidente at kahapon ng alas-10:30 ng umaga nang ito ay i-report sa pulisya.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BONG BONG

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

MARCOS JR.

NBSP

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

ROXAS BOULEVARD

SENADOR FERDINAND

SUNSET VIEW TOWERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with