^

Police Metro

36 missing... 5 todas sa bangkang lumubog

Pang-masa

MANILA, Philippines - Lima katao ang nasawi, 36 ang nawawala habang 14 ang nasugatan matapos ang sinasak­yan na pampasaherong bangka ay lumubog sa karagatan ng Sulu noong Huwebes Santo.

Sa ulat ng Joint Task Group (JTG) Sulu, kasalukuyang naglalayag ang MPB/Wilayza sa karaga­tan sa pagitan ng mga isla ng Tapul at Pata nang balyahin ito ng malala­king alon hanggang sa lumubog.

Bago ito ay alas-10 ng umaga nang umalis ang bangka sa Jun D Lan Port sa Jolo, Sulu patungong Tapul Island at dakong alas-8:00 na ng gabi  ng matanggap ni JTG Sulu Commander Col. Alan Arrojado ang ulat sa insidente.

Karamihan sa mga nasawi ay magkakasunod na natagpuan ang bangkay  nitong Biyernes Santo matapos lumutang sa dagat.

Nasa 14 survivors naman ang sugatang nasagip ng rescue team ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard  nitong Huwebes ng gabi.

Ang iba naman sa mga nakaligtas ay sinasabing nasa Tapul Island na bagay na kinukumpirma pa ng mga otoridad.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na overloaded ang bangka na patungo sa Tapul Island   na mahigit sa 50 katao bukod pa sa mga tripulante, construction materials na daang sako ng semento at mga bakal. - Joy Cantos-

vuukle comment

ACIRC

ALAN ARROJADO

ANG

BIYERNES SANTO

HUWEBES SANTO

JOINT TASK GROUP

JOY CANTOS

JUN D LAN PORT

NBSP

PHILIPPINE COAST GUARD

TAPUL ISLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with