^

Police Metro

2 driver, kagawad utas sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinambangan at napatay ang dalawang driver ng habal-habal at isang barangay kagawad sa magkakahiwalay na insidente sa Cotabato City at Maguindanao.

Batay sa ulat ni Sr. Supt. Rollen Balquin, hepe ng Cotabato City Police, dakong alas-5:30 ng umaga kahapon  nang pagbabarilin ang dalawang driver ng habal-habal na kinilalang sina Satar Tambag at Dagul Ali; pawang 18-anyos.

Agad na nasawi ang dalawa sa mga tinamong tama ng bala ng cal. 45 pistol sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na binabaybay ng dalawa ang kahabaan ng Macapagal St., Rosary Heights 6, nang sumulpot ang hindi nakilalang mga kalalakihan at pinagbabaril ang dalawang biktima.

Namatay din sa pamamaril ang biktimang si Brgy. Kagawad  Wilson Mayola ng Brgy. Making, Parang, Maguindanao.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga ay  kahahatid lamang ng biktima sa misis nitong guro sa Molina Elementary School sa bayan ng Parang nang biglang sundan ng hindi pa nakilalang mga salarin na sakay ng motorsiklo.

Pagkalapit sa biktima ay agad na pinagbabaril ito at nang makitang patay na ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek.

vuukle comment

BRGY

COTABATO CITY

COTABATO CITY POLICE

DAGUL ALI

MACAPAGAL ST.

MAGUINDANAO

MOLINA ELEMENTARY SCHOOL

ROLLEN BALQUIN

ROSARY HEIGHTS

SATAR TAMBAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with