^

Police Metro

Lalaki,todas sa love triangle  

Cristina Timbang - Pang-masa
Lalaki,todas sa love triangle           
Ang nasawing biktima na nagtamo ng mga saksak sa katawan ay kinilalang  si alyas “JV”, 26, habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Jerome, 36.
File

Sinaksak ng ex ng dyowa…

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 26-anyos na lalaki ng siya ay tadtarin nang saksak ng isang lalaki na umano ay dating kinakasama ng kanyang live-in partner, naganap sa bakanteng lote ng Treelane 3 Residences, Brgy. Bucandala 1, Imus City, Cavite, nitong Lunes ng madaling-araw.

Ang nasawing biktima na nagtamo ng mga saksak sa katawan ay kinilalang  si alyas “JV”, 26, habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Jerome, 36.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen, alas-2:00 ng mada­ling araw nang sugurin ng suspek ang biktima at walang kaabug-abog na ataduhin ng saskak.

Nabatid na ang suspek ay dating karelasyon si alyas “Cath” na bagong kinakasama ng biktima.

Sa salaysay ng saksi sa pulisya na nagpunta noong Oktubre ang suspek na armado ng patalim sa kanilang barracks at hinahanap ang biktima at nagbanta na papatayin ang biktima kapag ito ay kanyang makita.

Lumalabas din sa pagsisiyasat ng pulisya, nitong Nobyembre 4, ay nakiusap ang suspek kay Cath na sila ay magbalikan na tinanggihan dahil sa karelasyon na nito ang biktima.

Pagsapit ng madaling-araw ng Nobyembre 8 ay pinagsasaksak ng suspek ang biktima gamit ang hindi pa natutukoy na patalim.

Selos ang sinisilip na motibo ng pulisya sa pagpaslang ng suspek sa biktima na ang bangkay ay natuklasan sa isang bakanteng lote alas-9:00 ng umaga.

Patuloy ang pagtugis sa suspek habang inihahanda na rin ang kasong homicide laban dito.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with