^

Police Metro

Magsasaka pinatay ng 3 kabaro

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinagtulungang patayin sa taga ng tatlong magsasaka ang isa nilang kabaro kamakalawa ng gabi sa Brgy. Kabulusan, Magallanes, Cavite.

Ang biktima na nagawa pang masambit ang mga pangalan ng suspek bago malagutan ng hini­nga ay si Michael Espineli, 34-anyos, may-asawa.

Ang mga suspek na agad nadakip ay kinila­lang sina Binoe Leonor 18; Eric Ariola, 20; at Roilan Salorsano, 30, pawang mga kasamahan ng biktima at residente din ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi nang matagpuan ang biktima na duguan at tadtad ng mga taga at saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang residente.

Tinulungan nito ang biktima habang dinadala sa pagamutan ay nasambit pa nito ang mga pa­ngalan ng suspek bago ito tuluyang nalagutan ng hininga.

Nagsagawa ng follow-up operation ang pu­lisya at isa-isang naaresto ang mga suspek sa kani-kanilang bahay.

Nabatid na una umanong tumaga si Leonor gamit ang kalawit at katulong ang dalawa pang suspek.

vuukle comment

BINOE LEONOR

BRGY

CAVITE

ERIC ARIOLA

KABULUSAN

LEONOR

MAGALLANES

MICHAEL ESPINELI

ROILAN SALORSANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with