^

Police Metro

Solon, pinaimbestigahan mga binabayarang kuryente ng mga consumer sa Visayas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang mapanatiling matatag ang power grid ay pinaimbestigahan ni Negros Occidental Third District Representative Javier Miguel L. Benitez ang halagang binabayaran ng mga consumer ng kuryente sa Visayas para sa ancillary services o reserbang kuryente na nagsisilbing pananggalang.

Sa House Resolution No. 1430, humihirit si Benitez sa Committee on Energy? na imbestigahan ang naturang usapin matapos iulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na tumaas ang nationwide ancillary services rate mula Php 0.7941 hanggang Php 1.0391 kada kilowatt-hour para sa billing period ng Hulyo 2026, o katumbas ng 30.85 porsiyentong pagtaas na kung saan ay ipinasa ang dagdag na singil sa mga consumer sa kanilang mga bill para sa Agosto. Dahil hiwalay na itinatakda ng NGCP ang mga singil para sa Luzon, Visayas, at Mindanao, hinihiling ng resolusyon na ilabas ang particular na singil para sa Visayas at ang pagbabago nito buwan-buwan mula Enero hanggang Agosto 2026 mga datos na hindi pa nakikita ng mga consumer.

Ayon kay Benitez, nakolekta ang mga singil na ito sa parehong panahon na paulit-ulit na nakaranas ng red alert ang Visayas Grid, na nagsimula sa unang? red alert nito noong Mayo 13, 2026.

Nabatid na noong July 8, nasa 1,092.8 megawatts ang naging unavailable bunsod ng forced outages at deratings, dahilan para magkaroon ng manual load dropping sa ilang bahagi ng Cebu, Mactan, Aklan, Antique, Bohol, Capiz, Guimaras, at Iloilo.

Sa isa pang red alert noong Agosto 26, umabot? sa 938.9 megawatts ang kapasidad na hindi magagamit. Binibigyang-diin sa resolusyon na ang mga red alert sa Visayas ngayong 2026 ay pangunahing dulot ng mga pagkawala ng kapasidad sa power generation, at hindi ng problema sa transmission.

Sinabi pa ni Benitez na layunin ng imbestigasyon na obligahin ang NGCP, Energy Regulatory Commission, Department of Energy, Independent Electricity Market Operator of the Philippines, at mga concerned generation at ancillary services providers na ilatag ang halaga na sinisingil sa Visayas consumers.

KURYENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with