^

Police Metro

Speaker Dy sa mga Pilipino: Gamitin ang talento para sa pag-angat ng bansa

Butch Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinimok ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang bawat Pilipino na gamitin ang kanilang angking talento at galing hindi lang para sa pansariling tagumpay kundi para sa pag-angat ng buhay ng kapwa at ng buong bansa.

Ginawa ni Dy ang pahayag sa ginanap na pagpaparangal sa mga natatanging Pilipino ng Metrobank Foundation ngayong taon.

Ayon sa lider ng Kamara, ipinamalas ng mga pinarangalan ang tunay na kahulugan ng “Beyond Excellence” sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod sa bayan.

Binigyang-diin din ng Speaker na ang tunay na pag-unlad ng Pilipinas ay hindi lang nakasalalay sa malalaking programa ng gobyerno, kundi sa milyun-milyong mamamayang gumagamit ng kanilang kakayahan para sa kabutihan ng lahat.

Aniya, buhay na buhay ang kabayanihan araw-araw sa mga guro, pulis, sundalo, at ordinaryong mamamayang tahimik na naglilingkod kahit walang papuri o parangal.

Dahil dito, naghain din ng resolusyon ang Kamara upang pormal na pasalamatan at parangalan ang mga nakatanggap ng award ngayong taon para sa kanilang malaking ambag sa lipunan.

TAGUMPAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with