^

Police Metro

Kawani ng Meralco, inutas ng kausap

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang kawani ng Meralco na si Reginton Plaza, 37, residente sa no. 28 San Juan Bautista St., Payatas A., Quezon City nang pagbabarilin ito ng backrider ng isang nakamotorsiklo kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, alas-7:30 ng umaga sa harap ng Sylvia Store na matatagpuan sa Molave Extension, Patayas A ay nasa tindahan ang biktima at nagmimiryenda nang dumating ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.

Bumaba ang lala­king angkas ng motor at nilapitan ang biktima at kinausap. Ilang sandali, matapos ang pag-uusap ay bumalik na sa motorsiklo ang lalaki, hanggang sa magbunot ng baril ang kasama nitong nasa manibela at pinaputukan ang biktima.

Malaki ang hinala ng pulisya na posibleng kaki­lala ng biktima ang mga suspek dahil nag-usap pa ang mga ito bago isagawa ang krimen.

vuukle comment

BATAY

BUMABA

MOLAVE EXTENSION

PATAYAS A

PAYATAS A

QUEZON CITY

REGINTON PLAZA

SAN JUAN BAUTISTA ST.

SYLVIA STORE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with