^

Police Metro

6 sasakyan nagkarambola

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Anim na sasakyan ang nagkarambola na naging dahilan nang pagkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko sa northbound lane ng Edsa malapit sa Muñoz market sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang aksidente sa sa Dario Bridge /EDSA.

Kabilang sa mga nagbanggaang behikulo ay isang Mitsubishi Montero, isang taxi, isang mini bus, SUV, Toyota Highlander at Toyota Revo.

Base sa inisyal na imbestigasyon kasalukuyang minamaneho ni Hanz Go, 23 ang kaniyang Mitsubishi Montero (JG-022 ) sa kahabaan ng northbound lane ng EDSA patungong Balintawak, Quezon City nang biglang may tumawid na lalaki na kaniyang pinilit na iwasan.

Bunsod nito ay nahagip ng Mitsubishi Montero ang isang Mitsubishi tourist bus (RNB 494 ) na minamaneho ni Enrico Mendoza, 46.

Nadamay rin sa ka­rambola ang apat pang behikulo na kinabibila­ngan ng R&E taxi, isang Mazda Sports Utility Vehicle (SUV)  isang Toyota Highlander at isang Toyota Revo.  

 

vuukle comment

DARIO BRIDGE

ENRICO MENDOZA

HANZ GO

ISANG

MAZDA SPORTS UTILITY VEHICLE

MITSUBISHI MONTERO

QUEZON CITY

TOYOTA HIGHLANDER

TOYOTA REVO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with