^

Police Metro

Deniece naka-adjust na sa kulungan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Unti-unti ng natatanggap ng sumukong puganteng modelong si Deniece Cornejo  ang kanyang kapalaran sa makipot nitong kulungan  sa Camp Crame matapos ang ilang linggong pagkatulala na halos hindi makatulog.

 Ayon sa source, nakakapag-adjust na si Cornejo sa loob ng temporary detention center nito sa PNP-Cri­minal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Kung noong una ay hindi makausap at tulala si Cornejo ngayon ay panay na ang ehersisyo nito tuwing umaga sa loob ng detention center at nagagawa na nitong maglagay ng make-up at madalas ring nakikipagkuwentuhan sa kaniyang mga kapwa detainee.

Sa ilang linggo nang pagkakakulong ay bumigat na ang timbang ni Cornejo na hindi pihikan sa pagkain.

Kapag  wala itong kausap ay palaging may nakalagay na headset sa taynga at nakikinig ng musika.

Madalas na bumisita kay Cornejo ay ang kaniyang Lola Florencia at isa pang dalagita na may hawig dito.

Naghain ng mosyon kamakailan ang kampo ni Deniece na manatili na lamang ito sa PNP CIDG Detention Center kaysa mailipat ito sa Taguig City Jail.

 

vuukle comment

AYON

CAMP CRAME

CORNEJO

CRI

DENIECE CORNEJO

DETENTION CENTER

INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

LOLA FLORENCIA

TAGUIG CITY JAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with