^

Police Metro

80-anyos na lolo dedo sa tricycle

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matinding pinsala sa ulo ang naging dahilan nang pagkamatay ng isang 80-anyos na lolo nang ito ay malaglag sa likod ng pampasaherong tricycle kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si  Charlie Latuna, ng Tanigue Street, ng naturang lungsod.

Ang suspek na kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide ay si Cezar Avila, 49, tricycle driver, ng Phase 3, Dagat-Dagatan.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga ay pauwi sa kanyang bahay ang biktima at nakasakay ito sa likod ng driver dahil sa puno ng kahoy ang loob ng sasakyan.

Pagsapit sa may Tanigue Street ay big­lang nalaglag ito sa tricycle at nabagok ang ulo sa semento.

Agad na sinaklolohan ni Avila ang biktima at dinala sa pagamutan, subalit hindi na umabot ng buhay.

vuukle comment

AVILA

CEZAR AVILA

CHARLIE LATUNA

DAGAT-DAGATAN

MATINDING

PAGSAPIT

QUEZON CITY

TANIGUE STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with