^

Police Metro

Inaway ng nobyo... Modelo tumalon sa condo

Mer Layson, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos nahati ang katawan ng isang 28-anyos na dalaga ng isang fas­hion model nang ito ay lumagapak mula sa pagtalon sa ika-28 palapag ng kanyang condominium matapos umanong mag-away sila ng kanyang nobyo kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Ang biktima ay kinilalang si Helena Belmonte, isang Filipino-American citizens at nakatira sa Unit-B 28th floor Renaissance 1000 Tower, Meralco Avenue ng lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang  maganap ang pagtalon ng biktima mula sa kanyang condo unit at bumagsak sa ika-pitong palapag ng gusali.

Ayon sa pulisya nahirapan silang kunin ang bangkay ng biktima dahil nasalabak at sumampay ang katawan sa isang ‘exhaust’ ng makina.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing bago maganap ang pagtalon ng biktima sa gusali ay inaway umano ito ng kanyang nobyo na hindi pa tinutukoy ang pangalan.

Hinala ng pulisya na posibleng labis na dinamdam ng biktima ang pag-aaway nila ng kanyang nobyo kaya naisipan na tumalon.

Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para mabatid kung may naganap na ‘foul play’.

Samantala, isang lalaki ang pinaghihinalaang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-4 palapag ng Robinson’s Manila sa Ermita, Maynila kahapon ng hapon.

Ang biktima na idi­neklarang dead-on-arrival sa Manila Doctor’s Hospital sa UN Avenue, Ermita ay kinilalang si Amado Aparentado, 30.

Sa ulat, dakong alas 2:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Midtown Wing ng  Robinson’s Place, na matatagpuan sa bahagi ng Pedro Gil Street, Ermita.

Ayon sa ilang saksi na nagulat na lamang sila nang makarinig ng kalabog at hiyawan naman ng mga tao na malapit sa kinabagsakan ng hindi pa nakilalang lalaki.

Wasak ang glass pa­nel  sa 4th floor ng Midtown Wing, na pinagmulan nang pagbulusok pababa ng biktima.

 

vuukle comment

AMADO APARENTADO

AYON

BIKTIMA

ERMITA

HELENA BELMONTE

MANILA DOCTOR

MERALCO AVENUE

MIDTOWN WING

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with