^

Police Metro

Broadcaster pinabulaanan na sangkot sa P10-B pork scam

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ni broadcaster at news anchor na si Erwin Tulfo ang lumabas na artikulo sa isang broad sheet na nagsasangkot sa kanya sa P10 bilyong PDAF scam na sinabi umano ng dalawang opisyal ng National Agri Business Corp. (NABCOR) na tumanggap siya ng suhol sa pamamagitan ng isang tseke na nagkakahalaga ng P249, 000 na na-encash sa UCPB bank sa Ortigas na may petsang March 2009.

Nakasaad pa sa nasabing artikulo na nailathala noong Miyerkules (Marso 19) na ang suhol ay pinalabas na “advertisement payment” batay sa sinabi ng mga dating NABCOR officials na sina Rhodora Mendoza at Vic Cacal.

Sinabi naman ng abogado ni Tulfo na si Atty. Nelson Borja, kung meron mang tseke ito ay hindi suhol at bayad sa commercial placement o advertisement ng DA o NABCOR sa DZXL kung saan dating nagtatrabaho bilang radio anchor si Tulfo na kinaltasan ng buwis at suportado ng mga dokumento.

Sana anya ay nagkusa ang reporter na i-check muna sa DZXL kung nagpa-commercial ang NABCOR o hindi o kinuha man lamang ang panig ni Tulfo at hindi yaong pinalabas kaagad na suhol ang naturang tseke.

Malisyoso anya ang artikulo dahil walang basehan na suhol kaya’t hiling ng kampo ni Tulfo na itama ng reporter ang kanyang istorya at hu­mingi ng paumanhin upang hindi na nila ituloy ang planong pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanya, mga opisyal ng diyaryo at kina Mendoza at Cacal.

vuukle comment

CACAL

ERWIN TULFO

MALISYOSO

MARSO

NATIONAL AGRI BUSINESS CORP

NELSON BORJA

RHODORA MENDOZA

TULFO

VIC CACAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with