^

Police Metro

Kampo ni Vhong Navarro, hinimok na magreklamo

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinihimok ng Taguig City Police na magreklamo at makipag-coordinate sa kanila ang mga kaanak ng komed­yante at TV host na si Vhong Navarro upang masampahan ng kaso ang isang grupo ng mga kalalakihan na gumulpi at nang-extort sa actor.

Ayon kay Police Sr. Supt. Arthur Asis, hepe ng Taguig City Police, simula aniya nang maganap ang panggugulpi sa actor noong Enero 22  ay wala pang nagpupunta na mga kaanak  o  mula sa kampo nito  para magreklamo laban sa mga suspek.

Sinabi ni Asis, nais nilang matulungan at mabigyan ng hustiya ang ginawang panggugulpi sa actor pero nanga­ngapa sila dahil wala pang reklamo at hindi pa nagtutungo sa himpilan ng pulisya ang mga kaanak ni Navarro.

Gayunman, patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang  pamunuan ng Taguig Police at unti-unti ng nakakakuha ng positive development hinggil sa insidente  upang matukoy  ang mga suspek.

Nananawagan ang pamunuan ng Taguig Police sa kampo ni Vhong, na huwag matakot ang mga ito.

Ang insidente ay nabatid lamang ng pulisya sa pamamagitan  ng manager ni Vhong  na si Chito Roño.

Ayon kay  Roño,  noong Enero 22 ay may nag-imbita sa actor na babae sa isang condominium unit nito sa The Fort, Taguig City  na pinaunlakan naman ni Vhong.

Pagdating sa loob ng condo ay biglang nagdatingan ang ilang kalalakihan at sa hindi malamang dahilan ay pini­ringan ng mga suspek si Vhong, saka iginapos, binugbog at hiningan ng pera.

Si Vhong ay  nananatili pang nasa kritikal na kondis­yon ngayon sa isang hindi tinukoy na pagamutan at nakatakdang isailalim sa operasyon.

vuukle comment

ARTHUR ASIS

AYON

CHITO RO

TAGUIG CITY POLICE

TAGUIG POLICE

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with