^

Police Metro

Nag-away sa customer… Barbero 22X sinaksak ng gunting

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi sukat akalain ng isang barbero na ang paggamit niya ng gunting para sa kanyang kabuhayan ang siya rin gagamitin para siya ay mamatay matapos na ataduhin ng 22 saksak ng kasamahan sa barberya nang magtalo sa isang customer kahapon ng umaga sa Farmer’s, Cubao, Quezon City.

Ang biktima na hindi umabot ng buhay sa Quirino Memorial Medical Center dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si  Oscar Abesamis, 32, ng # 257 Andrew’s Avenue, Maricaban, Pasay City.

Nadakip agad ang  sus­pek na si Oliver Olan­dria, 33, tubong Pangantukan, Bukidnon at residente ng #718 Mayon St., Palar Village, Taguig City.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga sa loob ng Kencyr Barber Shop na matatagpuan sa 3/F Farmer’s Plaza ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek tungkol sa agawan sa isang customer na umano ay suki ng suspek subalit sa biktima nagpagupit.

Habang nasa kalagitnaan ng mainitang pagtatalo ay kinuha ng suspek ang gamit niyang gunting sa drawer at inundayan ng sunod-sunod na saksak ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan.

Agad humingi ng tulong ang ibang kasama sa barberya  sa security personnel ng establisyimento at dinala ang biktima sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) kung saan idineklara rin itong dead-on-arrival.

Habang agad din naa­resto ang suspek.

Narekober sa lugar ang gunting na puno ng dugo sa loob ng drawer ng suspek. – Jam Krisette Nuñez–

vuukle comment

F FARMER

HABANG

JAM KRISETTE NU

KENCYR BARBER SHOP

MAYON ST.

OLIVER OLAN

OSCAR ABESAMIS

PALAR VILLAGE

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with