^

Police Metro

2 NPA todas sa bakbakan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ang tropa ng mga sundalo nitong Biyernes ng hapon sa Brgy. Antipolo, Iriga City, Camarines Sur.

 Ayon kay Army’s 9th Infantry Division (ID) Spokesman Major Angelo Guzman, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na NPA.

Bandang alas-2:40 ng hapon ng makasagupa ng isang Squad na binubuo ng 9 sundalo ng Army’s 42nd Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ng isang Corporal Delos Santos ang may sampung rebelde sa nasabing lugar.

Nabatid na kasaluku­yang nagsasagawa ng combat security operation ang tropa ng militar ng masabat ang grupo ng mga rebelde kaya nagkaroon ng bakbakan ang magkabilang panig.

Tumagal ng sampung minuto ang barilan na ikinasawi ng dalawang NPA na inabandona o iniwan ng kanilang mga kasama.

Nakuha rin mula sa dalawang rebelde ang isang M16 rifle at isang 3653 assault rifle.

Masuwerteng wala namang nasugatan sa panig ng mga sun­dalo.

vuukle comment

AYON

BANDANG

CAMARINES SUR

CORPORAL DELOS SANTOS

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

IRIGA CITY

NEW PEOPLE

SPOKESMAN MAJOR ANGELO GUZMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with