^

Police Metro

Lady trader todas, utol kritikal sa ambush

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang negosyanteng babae ang nasawi habang ang kapatid nitong babae na nasugatan  matapos na sila ay pagbabarilin habang sakay ng kotse ng hindi pa nakikilalang salarin kamakalawa sa Las Piñas City.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Alabang Medical Center ay nakilalang si Guilma Bathan, 52-anyos, ng Hawaii St., Camella Homes 2-A, Bacoor City habang nasugatan ang nakababata nitong kapatid na si Ma. Victoria Rendor, 42, ng Villa Anto­nina, San Nicolas Dos, Bacoor City, Cavite.

Sa inisyal na ulat ng Las Piñas City Police, dakong alas-10:00 ng umaga ay sakay ang magkapatid ng kanilang kotse na may plakang WCL-484 na pa­punta sa miting ng kanilang pabrika.

Pagsapit sa harapan ng Dona Josefa Village, Pilar Road, Almanza Uno, ay hinarang sila ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo at paulanan sila ng bala.

Napuruhan ng bala ng calibre .9mm sa katawan si Bathan habang tinamaan si Rendor sa likod at kanang braso. 

Nakasaklolo naman agad ang kapatid na lalaki ng mga biktima na si Salvador Rendor na siyang nagdala sa pagamutan.

Inaalam ngayon ng pulis­ya kung may kaugnayan sa negosyo o personal na alitan ang motibo ng naturang pana­nambang.

vuukle comment

ALABANG MEDICAL CENTER

ALMANZA UNO

BACOOR CITY

CAMELLA HOMES

CITY POLICE

DONA JOSEFA VILLAGE

GUILMA BATHAN

LAS PI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with