^

Police Metro

Dating drug pusher tinodas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng isang gunman ang isang lalaki  na umano ay dating drug pusher habang bumibili ng sigarilyo sa Pasig City kahapon ng umaga.

Ang biktima na na­matay noon din ay naki­lalang si Noel Biduya, 28, residente ng Soriano St., Brgy. Sto. Tomas ng lungsod.

Ayon kay P/Senior Insp. Rodrigo de Dios, hepe ng Station Investigation and Detection Managament Branch (SIDMB) ng Pasig City Police na ang biktima ay nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-9:40 ng umaga ay bumibili ng sigarilyo ang biktima sa isang tindahan sa Villa Monique Phase 1, San Agustin St., Bolante 2, Brgy. Pinagbuhatan nang lapi­tan ito ng ‘di kilalang sus­­pek na naka­takip ng tuwalya ang mukha at wa­lang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay kas­wal lamang na nagla­kad palayo sa lugar ang suspek.

Ayon sa mga residente sa lugar na ang biktima ay dati umanong sangkot sa illegal drug transaction kaya’t inaalam ng pulisya kung may kaugnayan ito sa krimen.

 

 

vuukle comment

AYON

BRGY

NOEL BIDUYA

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

SAN AGUSTIN ST.

SENIOR INSP

SHY

SORIANO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with