^

Police Metro

Bagong silang na sanggol tinodas ng ina

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng pulisya na tinodas ng walang pusong ina ang kanyang bagong silang na sanggol na lalaki at pagkatapos ay itinapon sa  basurahan na  natagpuan  kahapon ng umaga  malapit sa covered court ng Brgy. Old Balara,  Quezon City.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga ay nangangalakal ng basura sina Rollie Abon at Jimmy Causa nang mapansin ang isang karton at garbage bag sa pulumpon ng mga basura sa nasabing lugar.

Inakala ng dalawa na ang laman ay maaring pakinabangan kaya’t binuksan nila ito at ganun na lamang ang kanilang pagkagulat nang bumulaga sa kanila ang isang patay na sanggol.

Sa pagsisiyasat ng pulisya na ang sanggol na nakasuot ng itim na damit ay may busal ng pulang panty ng babae sa kanyang bibig.

Ayon sa pulisya na posibleng buhay pa ang bata at ang pagbusal ng panty sa bibig nito ang posibleng dahilan ng kamatayan ng sanggol na mainit pa ang katawan nang makita ng dalawang  basurero.

 

vuukle comment

AYON

BATAY

BRGY

INAKALA

JIMMY CAUSA

MALAKI

OLD BALARA

QUEZON CITY

ROLLIE ABON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with