^

Police Metro

Montero tinangay ng 2 manyak na carjacker

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaghihipuan muna ang isa sa 2 estudyanteng babae na sakay ng isang Mit­subishi Montero (PKO-500) bago tangayin ang kanilang sasakyan sa Malate, Maynila at pagkatapos ay ibinababa sa madilim na bahagi ng Parañaque City kamakalawa.

Sa reklamo ng may-ari ng sasakyan na si John Ro­bert San Juan, 21, law student ng Lyceum of the Philippines University, dakong alas-8:00 ng gabi ay nakaparada ang kanyang sasakyan sa parking lot ng Estrada St, Malate at sakay sina Jennifer Schoeler, 26, ng Pusan, South Korea, nanunuluyan sa Casa Real, Real St., Makati City at Janina Nepomuceno, 20, nang tutukan sila ng baril ng dalawang suspek.

Nang makapasok ang dalawang suspek sa sasak­yan ay tinalian ng sintas ng sapatos ang tatlong biktima saka sinamsam ang kanilang mga kaga­mitan habang ang isa sa suspek ay pinaghihipuan ang maseselang parte ng katawan nito habang minamaneho ng kasamang suspek.

Pagdating sa Paraña­que City ay pinababa ang tatlong biktima sa isang creek at pinasibat ang sasakyan.

Kaagad naman nag-report sa Police Commu­nity Precinct (PCP) 7 sa Parañaque City ang tatlong biktima at inabisuhan na  sa MPD-ANCAR magreklamo.

 

vuukle comment

CASA REAL

ESTRADA ST

JANINA NEPOMUCENO

JENNIFER SCHOELER

JOHN RO

LYCEUM OF THE PHILIPPINES UNIVERSITY

MAKATI CITY

POLICE COMMU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with