^

Police Metro

RH Bill, sermon sa simbang gabi

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sumentro sa kontro­bersyal na Reproductive Health (RH) bill ang naging sermon sa mga Simbahan kasunod nang pagsisimula nang tradisyunal na Simbang Gabi kahapon.

Nagpalabas ng pasto­ral letter ang Catholic Bis­hops Conference of the Philippines (CBCP) at nag-anunsiyo rin ng mensahe si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle hinggil sa RH bill na siyang binasa sa ginanap na mga banal na misa.

Sa pastoral letter na nilagdaan ni CBCP Vice President at Lingayen-Da­gupan Archbishop Soc­rates Villegas, sinabi nito na ang ‘Contraception’ ay ‘korapsyon.’

Muli ring iginiit ni Vil­legas ang paninindigan ng Simbahan ukol sa kurapsyong magagawa ng panukalang batas.

Ayon kay Villegas, puro mapapakong panga­ko lamang ang RH bill tulad ng sinasabing pag-unlad ng mga mahihirap kapag naisabatas ito.

Hindi rin aniya daan ang RH bill upang makaahon sa kahirapan at pagdurusa ang mga mahihirap dahil ang kailangan ng mga ito ay edukasyon, mas maaayos na pagamutan at pagbabawas ng kurapsiyon sa pamahalaan.

Mariin rin namang binatikos ni Villegas ang isang bahagi ng panukala kung saan mistulang pinaniniwala nito ang mga kabataan na katanggap-tanggap ang pakikipagtalik bago ang kasal basta’t alam mo ang tamang pa­raan upang hindi magbuntis.

Iginiit pa ni Villegas sa pastoral letter na malaking banta sa moral ng bansa kung tuluyang maisasabatas ang RH bill sa kasalukuyan nitong porma.

Kaugnay nito, pinasalamatan din ng CBCP ang 104 mambabatas na bumoto kontra sa panukala at nanawagan sa 64 na kongresistang hindi pa nakakaboto na hanapin at manindigan sa katotohanan.

Samantala, sa mensahe naman ni Tagle para sa simbang gabi, hinimok nito ang mga mambabatas na buksan ang kanilang mga puso at sundin ang karunungang mula sa Pa­nginoon.

Bagamat maraming mambabatas ang nagsasabing bumoto sila sa RH bill gamit ang kanilang kunsensiya bilang gabay, iginiit naman ng Cardinal na ang karunungan ng Diyos ay kailangang bahagi ng naturang kunsensiya.

Nanawagan rin siya sa mga Katoliko sa Arch­diocese ng Maynila na kumpletuhin ang kanilang kaligayahan sa pamamagitan nang pag­talikod sa mga bagay na taliwas sa Salita ng Pa­nginoon at buong pusong sundin ang utos ng Diyos.

Ang siyam na araw na Simbang Gabi ay simbolikong pagsama ng mga Katoliko sa Birheng Maria sa kanyang siyam na buwang paghahanda sa pagsilang ni Hesus.

vuukle comment

ARCHBISHOP SOC

BIRHENG MARIA

CATHOLIC BIS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DIYOS

KATOLIKO

SHY

SIMBANG GABI

VILLEGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with