^

Police Metro

Ex-kagawad utas sa tandem

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang dating barangay kagawad matapos na barilin sa ulo ng dalawang lalaki na riding’in-tandem, kamakalawa ng gabi sa Ma­labon City.

Isinugod pa ngunit hindi na umabot ng buhay sa Manila Central University (MCU) dahil sa tama ng bala sa ulo ang biktimang si Epifanio Calalang, 48-anyos, ng Roman Street, Encarnacio Subdivision, Niugan, ng naturang lungsod.

Sugatan naman ang isa sa mga salarin na nakilalang si Eleazar Gallega, ng Dulong Hernandez Street, Brgy. Catmon, makaraang mabaril ng mga rumespondeng pulis.  Isinugod ito sa Tondo Medical Center habang nakatakas naman ang kasamahan nito na nakilala sa alyas “Joel”.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong alas-9:20 kamakalawa ng gabi sa harap ng tindahan ng biktima. Katatapos lamang makipag-inuman ng biktima at nagpapahangin nang dumating ang mga suspek at agad na binaril sa ulo.

Agad namang naialarma ang pangyayari sa nakaantabay na magkasanib na puwersa ng pulis at barangay tanod na mabilis na rumesponde at nasabat ang papatakas na mga salarin. 

Nakipagbarilan umano ang suspek na si Gallega na angkas ng motor ngunit tinamaan ng mga pulis at malaglag sa motor. Hindi naman ito hinintuan ng kasamahan na pinaharurot ang sasakyan sa kanyang pagtakas.

vuukle comment

BRGY

CATMON

DULONG HERNANDEZ STREET

ELEAZAR GALLEGA

ENCARNACIO SUBDIVISION

EPIFANIO CALALANG

ISINUGOD

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

ROMAN STREET

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with