^

PM Sports

Red Lions ibubuhos ang lakas vs Generals

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines – May isang tsansa pa ang San Beda University para maipagtanggol ang kanilang hawak na korona, muli silang susubok para kaldagin ang mapanganib na Emilio Aguinaldo College sa do-or-die Game 3 sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament semifinals na lalaruin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ngayon.

Magsisimula ang inaasahang magiging mahigpit na bakbakan sa pagitan ng Red Lions at Generals sa alas-5 ng hapon kung saan ang mananalo ay uusad sa championship round at haharapin ang nag-aabang na Jose Rizal University Heavy Bombers.

Unang sinikwat ng San Beda ang panalo sa Game 1 kung saan ay pahirapan ang naging labanan, 85-83.

Naging mabalasik naman ang Generals sa Game 2, malakas na sinimulan ang laro para maka-ipon ng mala­king bentahe dahilan upang ikahon ang 75-64 panalo at maka-puwersa ng deciding Game 3.

“Para sa’kin, ayaw namin matalo. Gusto namin magpractice pa bukas. Patay na kung patay sa loob ng court,” pahayag ni MJ Raymundo na siyang nanguna sa opensa para talunin ng EAC ang SBU noong Huwebes ng gabi.

Impresibo ang nilaro ni Raymundo sa Game 2, nakapagtala ito ng 20 points, walong rebounds at tatlong assists kaya paniguradong siya pa rin ang magiging armas nila sa opensa.

Makakatulong ni Raymundo ang mga matitikas niyang teammates na sina Jude Bagay, Joseph Nunag at Wilmar Oftana na ihaharap ng EAC sa mga kamador ng Red Lions.

Tiyak na lalabas ang dugong kampeon ng SBU para ibuhos lahat ng lakas para makabalik sa Finals.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with