Epondulan may misyon sa JRU
MANILA, Philippines — May misyon si coach Nani Epondulan na hindi natapos para sa Jose Rizal University.
At ito ay ang maibigay sa Heavy Bombers ang korona ng NCAA Season 102 men’s basketball tournament.
“That’s one of my what ifs, na hindi ko nabigay ‘yung kampeonato sa school ko,” sabi ni Epondulan, ang one-time NCAA MVP habang naglalaro para sa JRU.
Iginiya ni Epondulan ang Heavy Bombers sa NCAA Finals matapos sibakin ang Letran Knights sa Game Two, 85-79, ng Final Four.
Ito ang unang finals appearance ng Jose Rizal matapos ang 18 taon.
“Two years before, kulelat kami. Last year, naka-try kami ng quarterfinals. And even this Final Four, most of the comments, they all favor Letran,” sabi ni Epondulan.
Lalabanan ng Jose Rizal sa NCAA championship series ang mananalo sa pagitan ng nagdedepensang San Beda at Emilio Aguinaldo College.
- Latest















