^

PM Sports

FEU biyaheng F4

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Jorick Bautista ang pagbabalik ng Far Eastern University sa Final Four matapos ang apat na taon nang ipasok niya ang go-ahead three-pointer upang itakas ang panalo kontra De La Salle University, 74-72, sa huling araw ng eliminations ng UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament kahapon na nilaro sa Araneta Coliseum.

 Sa kabila ng hirap sa opensa sa buong laro kung saan nakapagtala lamang siya ng 2-of-20 mula sa field at sumablay sa sampu sa kanyang unang 12 tira mula sa tres ay nanatiling matatag si Bautista para bumawi at isalpak ang pinakama- halagang puntos para sa Tamaraws.

Habang naka-zone defense ang Green Archers, buong kumpiyansang tumira ng tres mula sa malayong bahagi ng arc ang graduating guard mula sa FEU-Diliman High School program sa natitirang 14.8 segundo, na nagbigay sa Tamaraws ng 74-72 na kalamangan. “During the fourth quarter, I told Jorick that we can’t be tired right now.

This is a gut-out game, you gotta dig in deep right now and I got to get you back in this game… I felt like Jorick was gonna have the biggest moment,” pahayag ni FEU head coach Sean Chambers na ginabayan ang Tamaraws pabalik sa Final Four.

Samantala, kinalsuhan ng University of the Philippines ang two-game losing streak matapos nilang pagpagin ang makukulit na National University, 77-67 at ilista ang 10-4 karta. Dahil sa panalo ay naka- siguro ang Fighting Maroons ng twice-to-beat advantage sa semifinals matapos upuan ang top seed sa elimination round.

Magbabanatan para sa No. 2 spot at huling bonus ang NU at FEU na may parehong may 9-5 karta. 

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with