^

PM Sports

Mangubat, JRU pinasabog Baste

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinandalan ng Jose Rizal University ang nag­liliyab na opensa ni Lawrence Mangubat upang yanigin ang San Sebastian College-Recoletos, 102-78 sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa Playtime FilOil EcoOil Centre sa San Juan City kahapon.

Tumikada si Mangubat ng 20 points, walong assists at tatlong steals upang tulungan ang Heavy Bom­bers na ilista ang 4-1 karta at ibaon ang Stags sa ilalim ng team standings pasan ang 0-7 karta.

Bahagyang mabagal na sinimulan ng Heavy Bombers ang kanilang laro sa unang dalawang quarters, lamang sila ng pito, 51-44 sa halftime.

Lumabas ang tikas ng Kalentong-based team sa third period kaya naman lumobo sa 12 puntos ang kanilang lamang, 75-63, papasok ng fourth canto.

“We started flat. ‘Yong effort at energy na hina­hanap namin, ‘di nila nai­bigay kaya nung halftime, sinabi ko ‘yon sa dugout,” ani coach Nani Epondulan.

Pagdating ng payoff period ay tuluyan ng iniwa­nan ng JRU ang SSC para ikahon ang panalo at ilista ang 5-1 karta.

Tumikada si Chris Hubilla ng double-double na 14 points at 11 rebounds para sa JRU habang kumana sina Jalen Garcia at Jahmir Eligado ng tig-12 at 13 puntos, ayon sa pagka­kasunod.

Nagtala si Niel Castor ng 17 markers para sa Baste.

Samantala, tumibay ang kapit ng College of Saint Benilde sa tuktok ng team standings matapos nilang paluhurin ang Arellano University, 94-82 sa huling laro.

Nahirang na Best Pla­yer of the Game, bumira si Justine Sanchez ng 17 points, walong rebounds at limang assists upang tulu­ngan ang Blazers na ilista ang 6-1 karta.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with