Pandas: Uwi na
Virtually out of contention na ang Macau Giant Pandas sa karera patungo sa PBA Governors Cup playoffs.
At gaya ng lineup nila versus NLEX noong Miyerkules, malamang na maliit na representasyon na lang ang sisipot sa kanilang last three games kontra Terrafirma, TNT at Converge.
Versus Road Warriors, wala si coach Marcus Elliot at siyam na Giant Pandas lang ang sumipot.
Ang resulta: 138-78 ? most lopsided game in PBA history.
Tumatak ang masamang resulta sa pangalan ni Raymond Tiongco, na last-minute tinawagan para mag-handle sa team sa absence ni Elliot.
Tatatak din ang mga blowout games sa sariling marka ng PBA lopsided games na ayaw ng manonood o turnoff para sa mga fans.
Ang gusto ng manonood eh ang gaya ng Bay Area Dragons highly competitive team.
Hindi matatawaran ang kanilang great showing sa 2022 PBA Commissioner’s Cup, kung saan dinala nila ang Barangay Ginebra sa Game 7 sa finale, laro na humakot ng record 54,589 fans sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Walang excuse ang Giant Pandas, dahil malamang na alam naman nila ang schedule ng tournament bago sila sumali.
Alam nila ang PBA.
At para sa kalibre ng kanilang organisasyon, dapat alam na nila ngayon na ‘di na dapat silang sumali uli sa liga.
Uwi na!
- Latest

















