^

PM Sports

World Cup na!

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Matapos maisakatuparan ang misyon sa Southeast Asian Games, haharap na sa mas malaking ha­ngarin ang Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup.

Kasama ang mga pinakamagagaling na koponan sa buong mundo, hindi mabigat ang pressure sa Team Philippines na makarating ng malayo sa tournament na ito.

Ang realistikong pagtutuunan ng pansin eh, ma­ging best performing Asian team upang makasungkit ng automatic slot sa 2024 Paris Olympics.

Iyan ang challenge. At hindi madali ito dahil ka­sama nilang mag-aasam dito ang Iran, China, Lebanon, Jordan, Japan.

Liliwanag ang pag-asa ng Gilas dito kung ma­kakausad sa second round.

Pero kailangan ng Nationals na pumuwesto sa Top 2 sa kanilang grupo sa first round upang ma­rating ang second round. Ibig sabihin nito eh, at least two wins kontra Italy, Dominican Republic at Angola.

Maaaring angat ang Gilas sa Angola. Ang susunod na target eh, masilat either ang Italy o Dominican Republic.

Iyan ang pagtatrabahuhan ngayon nina coach Chot Reyes at ng kanyang pool mula ngayon hanggang sa World Cup proper sa Agosto.

At sana naman eh. gumaan-gaan ang tahakin ng coaching staff sa pagbuo ng national pool para sa misyon na ito.

World Cup sa harap ng home fans? Sana naman eh, yakapin ng lahat ang pribilehiyo na mapasali dito.

vuukle comment

WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with