^

PM Sports

Slaughter balik sa Ginebra?

Pang-masa
Slaughter balik sa Ginebra?

MANILA, Philippines — Sa pagbalik ni Greg Slaughter dito sa Pilipinas matapos mawala ng walong buwan, marami ang nagtatanong kung papasok din ba ito ng PBA bubble upang tulungan ang Barangay Ginebra sa kanilang kampanya sa nalalapit na restart ng PBA Philippine Cup sa October 11 s Angeles University Foundation.

Wala sa 25-man line-up ng Gin Kings ang pangalan ng dating Gilas Pilipinasa star para sa PBA bubble at puwede sana siyang pumasok kahit late na matapos bawiin ng PBA Board ang paglalagay ng deadline ng pagpasok sa Clark bubble.

Nag-post si Slaughter ng litrato sa Instagram kasama ang kanyang girlfriend at alagang aso noong Martes at may caption na “Its good to be back home.”

Ang Ginebra pa rin ang may right of first refusal kay Slaughter na iniwan ang Gin Kings noong Marso bago pumutok ang pandemya.

Habang naka-break ay  pumirma ito sa European agency na Beo Basket noong July at nag-training sa United States.

Ayon sa mga ulat, noong una ay hindi nakikipagkomunikasyon sa Ginebra si Slaughter nang umalis ito ngunit nitong huli ay nakakausap na siya ng team na isang indikasyon ng posibleng pagbabalik nito sa Gin Kings.

vuukle comment

GREG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with