Collegiate PRESS corps NCAA Player of the Week
MANILA, Philippines — Sa tulong ni Allyn Bulanadi umalagwa ang San Sebastian Stags ng five-game winning streak kaya uma-ngat ang Recto-based team solo third spot sa kanilang 7-3 win-loss kartada sa likuran ng San Beda (11-0) at Lyceum (8-3) sa umpisa ng second round elimination ng season 95 NCAA basketball tournament.
Umani ng career-high 32 puntos si Bulanadi sa panalo ng Stags kontra sa St. Benilde Blazers, 83-67, noong Huwebes na kanilang pang-limang sunod na panalo.
Nalampasan ng 6’2 forward Bulanadi ang kanyang dating mataas na 31 puntos sa panalo ng SSC-R laban sa Perpetual Help Altas, 107-90 noong Agosto 23.
Dahil sa kanyang ipinakitang matikas na laro, napili si Bulanadi bilang Chooks-to-Go Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week para sa linggong septyembre 9 hanggang Septyembre 13.
Naungusan ni Bulanadi sina Noah Lugo ng Mapua, Donald Tankoua ng San Beda at Reymar Caduyac ng Lyceum para sa linggohang parangal.“Sa akin lang, nagpapasalamat ako kay coach Egay (Macaraya) at sa coaching staff dahil sa suporta nila ‘di lang sa akin kundi sa aming lahat. Kailangan ko lang gampanan yung role ko,” sabi ni Bulanadi.
- Latest