Gutang hinirang na NCAA Player of the Week
MANILA, Philippines — Umariba si Justin Gutang at pinangunahan ang College of Saint Benilde na makabalik sa win-column ng NCAA 95 men’s basketball tournament kasabay ng pagkawala nina head coach TY Tang at shooting guard Jimboy Pasturan.
Nagposte ang Fil-Am forward ng 14 points, 8 rebounds at 2 assists para manguna sa 74-66 panalo ng Blazers laban sa Jose Rizal University Heavy Bombers noong Biyernes.
Ang magandang laro ni Gutang ang nagbigay sa Taft-based squad ng panalo bagama’t napatawan si Tang ng one -game suspension at ni Pasturan na may shoulder injury.
Nagawa ring tuldukan ng CSB ang back-to-back losses at nasungkit ang solo second spot tangan ang 6-2 baraha.
Hinirang si Gutang bilang Chooks-to-Go Collegiate Corps NCAA Player of the Week.
Sa pagtatapos ng first round ay umaasa ang Blazers na muling puputok si Gutang laban sa Letran Knights sa Biyernes.
“We were really struggling and haven’t been playing well kahit sa practice,” sabi ni deputy coach Charles Tiu.
- Latest