^

PM Sports

Bigo si Melindo na makuha ang titulo

Russell Cadayona - Pang-masa
Bigo si Melindo na makuha ang titulo
Milan Melindo

MANILA, Philippines — Hindi na naiuwi ni Filipino challenger Milan Melindo ang koronang kanyang hinangad na maagaw kay Japanese light flyweight titlist Ken Shiro.

Ito ay matapos umiskor si Shiro ng isang seventh-round stoppage laban kay Melindo para mapanatiling suot ang kanyang World Boxing Council light flyweight crown noong Linggo ng gabi sa Yokohama Arena sa Japan.

Ginamit ni Shiro (14-0-0, 8 KOs) ang kanyang reach advantage para talunin si Melindo (37-4-0, 13 KOs) at matagumpay na maidepensa ang suot na titulo sa ikaapat na sunod na pagkakataon.

Iniutos ng ringside physician na si referee Laurence Cole na itigil ang nasabing scheduled 12-round, 108-pound title fight sa 2:47 minuto ng seventh round dahil sa malaking putok sa kaliwang mata ni Melindo.

Ito ang unang pagkakataon na hindi natapos ni Melindo ang laban sa kanyang 13-year professional career. Dinala ng 26-anyos na si Shiro ang 30-anyos na si Melindo sa lubid mula sa kanyang mabigat na right hand sa gitna ng seventh round.

Tinarget ni Shiro ang kaliwang mata ni Melindo na nakita na niyang pumutok at dumudugo bago pansamantalang ihinto ng ringside physician ang laban.

Nabigo ang tubong Cagayan De Oro City na makamit ang kanyang ikalawang world boxing title matapos maisuot ang International Boxing Federation.

vuukle comment

MILAN MELINDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with