^

PM Sports

Sino ang susunod na

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Dahil magbibigay daan ang PBA Governors Cup sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa September win­dow ng FIBA World Cup qualifier, sasamanta­lahin ng PBA board of governors na isagawa sa pa­nahong ito ang kanilang annual planning session.

Tutulak sila patungong Las Vegas, Nevada nga­yong umaga upang doon isagawa ang kanilang pagpupulong na pangungunahan ni board chair Ricky Vargas.

Ang katanungan ay kung gaganapin na rin nila doon ang kanilang annual election of officers sa­man­talang hindi pa tapos ang 2017-18 PBA season.

Nakalinya si Dickie Bachmann sa order of rotation na susunod na mamumuno sa PBA board, pero may ugung-ugong na may mga governors na may planong i-extend ang mandato ng kasalukuyang chairman.

Ito ang maaaring isang masalimuot na usapan sa planning session.

Balik-Pinas ang karamihan sa grupo bago ang laban ng Gilas kontra Iran at Qatar sa FIBA WC eli­minator.

***

Makikipagbakbakan ang Gilas kina Hamed Had­dadi at Team Iran sa Tehran sa Sept. 13 at ha­ha­rapin ang Qatar sa closed-door venue sa ating teritoryo sa Sept. 17.

Mag-a-accredit daw ng limitadong numero ng covering media sa Phl-Qatar game. Ang hindi ko pa nauulinigan ay kung sino ang mga papayagang pribadong indibidwal na mapanood ang Phl-Qatar match.

Kasama sa parusa sa Pilipinas ang closed-door event na ito dahil sa kanilang pakikibugbugan sa Team Australia sa kanilang huling laro sa WC qualifier.

***

Bandera kaagad ang reigning back-to-back Go­vernors Cup champion na Barangay Ginebra sa unang arangkada ng mga laban sa season-ending PBA tourney.

Ang matindi nito ay nasa “surviving mode” pa lang daw sa kasalukuyan ang Ginebra, ayon kay coach Tim Cone.

Susubukan daw nilang iayos ang flow ng ka­nilang laro sa 12-day PBA break kahit na tatlo sa kanilang manlalaro – Greg Slaughter, Japeth Aguilar at Scottie Thompson – ay kasama sa kampanya ng Gilas.

vuukle comment

SUSUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with