^

PM Sports

Nakawala kay Centeno

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nakawala kay  Chezka Centeno ang kaniyang korona matapos makalasap ng kabiguan sa knockout round ng prestihiyosong 2017 Amway eSpring International Women 9-Ball Championship na ginaganap sa Taipei Gymnasium sa New Taipei City, Taiwan.

Lumasap ng nakapanlulumong 6-7 pagkatalo ang 17-anyos na si Centeno sa kamay ni Karen Corr ng Ireland sa Last 16 ng torneong may basbas ng World Pool-Billiard Association.

Nauna nang nagtala si Centeno ng 7-2 desisyon laban kay Hsieh Yu-Wen ng Chinese-Taipei sa first round bago makasagupa si Corr sa event na may nakalaang $93,400 papremyo tampok ang $34,000 para sa magkakampeon.

Hindi rin sinuwerte si two-time world champion Rubilen Amit na una nang namaalam sa torneo  matapos matalo kay Angeline Magdalena Ticoalu ng Indonesia, 4-7 sa first round ng knockout stage.

Naghahanda sina Centeno at Amit sa pagsabak sa 2017 Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto.

Target nina Centeno at Amit na muling dominahin ang 9-Ball event matapos makuha ang 1-2 finish noong 2015 SEAG edisyon na ginanap sa Singapore.

vuukle comment

CENTENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with