^

PM Sports

Bossa Gurl sinorpresa ang mga nakalaban

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinorpresa ng Bossa Gurl ang mga nakalaban para lumabas bilang pinakadehado sa mga kumarera noong Miyerkules ng gabi sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.

Si RC Landayan ang siyang dumiskarte sa kabayo sa MMTCI Special Race na pinaglabanan sa 1,400-metro distansya at nakita ang magandang kondisyon nito nang hindi bumigay sa hamon ng apat na iba pang kabayo.

Ang Doña Nicasia ang nagdala ng trangko sa kaagahan ng karera at sa rekta ay nangunguna pa rin pero naroroon na at nakakasabay ang mga kabayong Bossa Gurl, Role Model at Galing From Afar.

Nasa gitna ang Bossa Gurl at maluwag ang kanyang dinaanan para maisantabi ang malakas ding pagdating ng Role Model tungo sa panalo at pagsungkit ng P10,000.00 added prize sa P125,000.00 guaranteed price na ibinigay ng Metro Turf Club.

Nagdiwang ang mga nanalig sa lakas ng Bossa Gurl na pinatawan din ng 55-kilos handicap weight dahil ang win ay naghatid ng P75.50 habang ang pagsegundo ng Role Model sa pagdadala ni JB  Bacaycay para sa 3-6 forecast ay naghatid ng P333.00 dibidendo.

Ang iba pang nagwagi sa ikalawa at huling araw ng pista sa racing club ay ang Most Trusted sa race two, Yellow Cat sa race three, Delsun Top sa race four, Cat’s Silver sa race five, It’s My Birthday sa race six, Bacolod Princess sa race seven at Kiss Me sa race eight.

vuukle comment

ANG

ANG DO

BACOLOD PRINCESS

BOSSA GURL

DELSUN TOP

GALING FROM AFAR

KISS ME

METRO TURF

METRO TURF CLUB

MIMAROPA

RACE

ROLE MODEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with