^

PM Sports

Gilligan’s vs Foton Tornadoes sa SuperLiga Beach Volley finals

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dumaan sa butas ng karayom ang Gilligan’s habang nilusutan ng Foton Tornadoes ang kanilang karibal para plantsahin ang title showdown nila sa women’s division ng PLDT Home Ultera Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup 2015 na pinalakas ng Smart Live More noong Sabado sa Sands By the Bay sa SM MOA.

Kinailangan nina dating Southwestern University star Danica Gendrauli at Norie Diaz ng Gilligan’s na makawala sa 13-13 pagkakatabla sa third set upang  talunin ang paboritong sina Wensh Tiu at April Ross Hingpit ng Cignal HD Spikers B, 21-23, 21-18, 15-13 sa kanilang semifinals duel.

Mula sa 13-13 pagkakatabla ay nakagawa si Tiu ng mahalagang attack error na nagresulta sa ace ni Diaz na siyang sumelyo sa panalo ng Sisig Queens.

“Pinag-usapan po namin mabuti kung sino ang tatargetin sa services namin para mahirapan silang mag-recieve at hindi sila maka-execute ng maayos,” ani Gendrauli, nanalo ng beach volley title habang naglalaro para sa Cebu Schools Athletic Foundation, Inc. noong 2012.

Bago takasan ang Cignal HD Spikers B sa semis ay tinalo muna ng Gilligan’s sina Rossan Fajardo at Aileen Abuel ng Philips Gold, 21-9, 21-2.

Umiskor naman sina Fiola Ceballos at Patty Orendain ng Foton Tornadoes ng 21-18, 21-18 panalo laban kina Bea Tan at Pau Soriano ng Foton Hurricane para kunin ang ikalawang finals seat sa torneong inor-ganisa ng Sports Core katuwang ang Accel, Senoh, Sands By the Bay at Maynilad.

Ang finals na isasaere sa TV 5 ay nakatakda sa Sabado kung saan makakaharap naman ng Champion Infinity B ang SM By The Bay sa men’s division.

Tinalo nina Cebuano pair Jade Becaldo at Hachaliah Gilbuena ng SM By the Bay A ang Centerstage, 21-13, 21-16 habang binigo ng Champion Infinity B ang Cignal HD Spikers A, 21-23, 22-20, 15-10, sa semifinals.

vuukle comment

ACIRC

AILEEN ABUEL

ANG

APRIL ROSS HINGPIT

BEA TAN

CHAMPION INFINITY B

CIGNAL

FOTON TORNADOES

GILLIGAN

SANDS BY THE BAY

SPIKERS B

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with