^

PM Sports

Captain Ball nakabawi Sa pagdomina sa Philracom Option Race

Pang-masa

MANILA, Philippines - PINAWI ng Captain Ball ang di magandang naipakita sa Philracom Option Race nang dominahin ang sinalihang karera noong Huwebes ng gabi sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Sa 1,200-metro karera pinaglabanan ang Special Handicap Race at naunang sinakyan ng Captain Ball ang malakas na ayre ng Sky Dragon.

Sa rekta at dinikitan na  ng Captain ball na nirendahan ni Fernando Raquel Jr. ang Sky dragon ni JA Guce at sa huling 100-metro ay saka kumawala ito tungo sa dalawang dipang panalo.

Paborito ang Captain Ball na pumang-apat lang sa Option Race na pinagharian ng Penrith, para makapaghatid ng P8.00 sa win habang ang forecast na 2-1 ay mayroong P20.00 dibidendo.

Nakatikim din ng pana­lo ang Passive sa buwan ng Hulyo nang mailabas ang bangis sa isa pang Special Handicap Race na nilahukan din ng El Libertator at Consolidator.

Ang Consolidator ang agad na nanguna sa pagdadala ni KB Abobo pero nakasunod agad ang Passive na hawak ni Christian Garganta.

Sa huling kurbada ay humabol na ang El Li­bertado ni AR Villegas pero handa ang Passive na umarangkada pagpasok ng huling 150-metro.

Halos isang dipa ang ipinanalo ng Passive sa rumemate ring El Li­bertador para magpasok pa ng P67.50 ang 1-6 forecast. Ang win ay may P9.00.

Mga paboritong ka­bayo ang mga nanalo sa walong karerang pinag­labanan at ang lumabas na pinakadehadong kabayo na nanalo ay ang Lucky Dreams sa race 8 na isang Handicap Race 2 sa 1,000-meter sprint distansya.

 Si JAA Guce ang sumakay sa Lucky Dream na tinalo ang Barbie ni EP Nahilat.

Umabot sa P18.00 ang ibinigay sa win habang ang 5-7 forecast ay nagpamahagi ng P66.50 dibidendo. (AT)

vuukle comment

ANG CONSOLIDATOR

CAPTAIN BALL

CHRISTIAN GARGANTA

EL LI

EL LIBERTATOR

FERNANDO RAQUEL JR.

GUCE

HANDICAP RACE

SPECIAL HANDICAP RACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with