^

PM Sports

Win No. 2 puntirya ng Davao kontra Perpetual

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sasandalan ng Davao Lady Agilas ang magandang panalo sa huling la­ro upang tumatag pa ang paghahabol sa puwesto sa quarterfinals sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference ngayon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Katipan ng Lady Agi­las ang NCAA champion na Perpetual Help Lady Altas sa alas-2 ng hapon bago sundan ng bakbakan ng St. Louis Lady Navigators at St. Benilde Lady Blazers sa alas-4.

Sa paghablot ng ikala­wang dikit na panalo ng Lady Agilas sa ligang inor­ganisa ng Sports Vi­sion katuwang ng Sha­key’s ay aangat din sila sa ikalawang puwesto sa Group B.

Asahan na gagawin ng Lady Altas ang lahat ng makakaya para pigilan ito at panatilihing buhay ang kampanya sa torneng may ayuda ng Mikasa, Ac­cel at Tiger Lion Mosquito Coil.

Hindi pa nananalo ma­tapos ang tatlong laro ang Perpetual Help at ang ika­apat na sunod na kabiguan ang tuluyang mag­pa­patalsik sa koponan da­hil apat na sa Group B ang may dalawang pana­lo.

Angkinin ang huling ti­ket sa quarterfinals sa Group A  ang nakaumang sa Lady Blazers kung mananaig sa Lady Navigators.

Papasok ang St. Benilde sa laro mula sa pag­katalo sa Arellano La­dy Chiefs at Ateneo La­dy Eagles ngunit mas pi­napaboran na manalo sa La­dy Navigators na talu­nan sa kanilang unang tat­long laro.

Ang Lady Chiefs (4-1), Lady Eagles (3-1) at Adamson Lady Falcons (3-1) ay nakapuwesto na sa quarterfinals.

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

ANG LADY CHIEFS

ARELLANO LA

ATENEO LA

DAVAO LADY AGILAS

FIRST CONFERENCE

GROUP B

LADY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with