^

PM Sports

Louie Alexa pinahabol ni jockey CS Penolio

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kuminang ang takbo ng Louie Alexa sa pagdadala ni apprentice rider CS Penolio matapos magdomina sa class division 1-B race noong Miyerkules ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Tumakbo kasama ang coupled entry na Insider, nagwagi ang limang taong filly kahit nalagay sa malayong pang-apat na puwesto hanggang sapitin ang huling kurbada.

Naunang nagsukatan ang dehadong Firebolt, ang limayadong Shining Moment at dehado pang Crusader’s Son.

Pero nanlamig ang Shining Moment na hawak ni JB Hernandez at Firebolt ni FA Tuazon upang ma­bigyan ng pagkakataon ang Louie Alexa na lumaban sa puwestuhan sa karerang inilagay sa 1,500-metro.

Nasa labas ang nasabing kabayo at sa huling 100-metro ay lamang na ito habang napanatili ng Crusader’s Son sa pagdadala ni EP Nahilat ang pa­ngalawang puwesto.

Second choice ang coupled entry para mag­hatid ng P9.00 ang win ng Louie Alexa habang ang 9-10 forecast ay nagpasok ng P224.50 dibidendo.

Mga liyamadong ka­bayo ang nag­patuloy sa pagpapakitang-gilas dahil ang lumabas bilang pinakadehadong kabayo sa pista ng Manila Jockey Club ay ang Balbonic sa race six.

Si class B jockey CB Tamano ang hinete ng Balbonic na tumakbo kasama ang stablemate na Passive at tinalo ng una ang Yes Yes Yes ni JL Paano at bi nigyan ng 57 kilos handicap weight.

Ang panalo ay nag­hatid ng P19.50 sa win habang ang 3-4 forecast ay naghatid ng P21.00.

vuukle comment

BALBONIC

CARMONA

CAVITE

HERNANDEZ

LOUIE ALEXA

MANILA JOCKEY CLUB

SAN LAZARO LEISURE PARK

SHINING MOMENT

YES YES YES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with