^

PM Sports

Bumilib si Garcia at Rios kay Pacquiao

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaghandaan ng husto ni Brandon Rios ang kinatatakutang bilis ni Manny Pacquiao.

Ngunit nang nasa ring na ang dalawang boksi-ngero, nalaman ni Rios na hindi sapat ang bilis ng mga sparmates na kinuha para mahabol at mapatamaan si Pacman.

“I trained my butt off, I did my best. I had a quick sparring partner, but Manny was quicker,” pag-aamin ni Rios.

Sa bilis ng pagkilos ni Pacquiao sa ring ay 138 lamang sa 502 na pinakawalan sa 12 rounds ni Rios ang tumama. Sa kabilang banda, kumunekta si Pacquiao ng 281 sa 790 na pinakawalan. Hindi naman umano nasaktan si Rios sa mga pinakawalang suntok ng kalaban pero kita sa kanyang mukha ang labis na hirap dahil sarado ang magkabilang mata at dumudugo ang dalawang kilay matapos ang laban.

Mismong si Rios ay kinontra pa ang sarili sa aspetong ito dahil lumabas din sa kanyang bibig na ang kaliwang straight ni Pacquiao ang kanyang mga ininda sa laban.

“He got me a couple times with the straight left, that was his best punch,” dagdag ni Rios.

Kahit ang trainer niyang si Robert Garcia ay sinaluduhan si Pacman. Bago ang laban ay matibay na sinabi ni Garcia na iba na ang Pacquiao ngayon kumpara sa Pacquiao dalawang taon na ang nakakaraan dahil sa tingin niya ay mabagal na ito at may mga nakikita siyang bagay na nagpahina na sa 8-division world champion.

“I think we saw the best Pacquiao today,” ani Garcia.

 

vuukle comment

BRANDON RIOS

GARCIA

KAHIT

MISMONG

PACMAN

PACQUIAO

RIOS

ROBERT GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with