^

PM Sports

3 players posibleng i-trade ng Boston

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa kanilang  blockbus­ter deal sa Brooklyn Nets na nagdala kina Kevin Garnett at Paul Pierce sa ibang team, nakakuha ang Celtics ng draft picks at ilang players na tila hindi nababagay sa kanilang pla­no.

Tanging si  MarShon Brooks ang nababagay sa long term plans ng Boston at sina Keith Bogans, Kris Humphries at Gerald Wallace ay mga beteranong mas bagay na maging sup­porting cast ng isang ko­ponang contender.

Bagama’t may na­ging kontribusyon nang lu­ma­laban ang koponan, ma­aari na ring ipamigay si Bran­don Bass. Babayaran siya ng Boston ng $13 million sa susunod na da­la­wang seasons. Kaysa kay  Bass, mas bibigyan pa ng playing time sina Kelly Olynyk, Jarred Sullinger, at Vitor Faverani.

 Sina Bass, Humphries at Wallace ay may mala­king bahagi sa pasuweldo ng Boston. Si Humphries ay kikita ng $12 million ngayong  season, si Wallace ay susuweldo ng mahigit $30 million hanggang sa susunod na season. Ang tatlong players na ito ay kikita ng  $30 million sa parating na season.

Kaya maiintindihan natin kung may ulat na maghahanap ng trade si Danny Ainge para madispatsa ang mga players na ito.

 Iba-iba ang sitwasyon ng tatlong players na ito. Isang taon na lang ang natitira sa kontrata ni Hum­phries kaya di mala­yong madispatsa siya ng Celtics.

Puwedeng may magkainteres kay Bass dahil mayroon siyang midshooting range at may mga koponang kayang saluhin ang kanyang kontrata.

Sa sitwasyon ni Wallace, mahihirapan ang Bos­ton dahil napakamahal nitong role player na masama ang inilaro noong nakaraang season. Ang $30 milyon ay napakamahal para sa player na pabagsak na ang laro.

Umaasa si Ainge na makakahanap siya ng trade dahil maraming teams na naghahanap ng veteran role players habang tumatakbo ang  season pamalit sa mga magkakaroon ng injury.

vuukle comment

BROOKLYN NETS

DANNY AINGE

GERALD WALLACE

JARRED SULLINGER

KEITH BOGANS

KELLY OLYNYK

SHY

WALLACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with