^

PM Sports

Buntis na asawa ni Donaire sinagip ang anak ng kaibigan

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpasalamat si Rachel Marcial, ang asawa ni world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr., sa mga taong pumuri at nag-alala sa kanyang kalagayan.

Ito ay matapos sagipin ni Rachel ang anak ng isa niyang kaibigan na nalulunod sa isang swimming pool habang sila ay nagpi-picnic bagama’t siyam na buwan na siyang nagdadalantao.

“I want to thank everyone for their thoughts and prayers. I believe anyone in my situation would have done the same and not hesitated,” sabi ni Rachel sa kanyang Facebook account.

Hindi nagdalawang-isip ang 31-anyos na si Rachel, isang dating taekwondo champion, na sagipin ang bata sa kabila ng kanyang maselang kondisyon.

Matapos mailigtas ang bata ay kaagad na isinugod ni Donaire si Rachel sa ospital.

Sa ospital ay sumailalim si Rachel sa isang fetal monitoring para tiyakin ang kaligtasan ng anak sa kanyang sinapupunan.

Kasalukuyan nang hinihintay nina Donaire at Rachel ang pagsilang ng kanilang anak na la-laki anumang araw mula ngayon.  â€œAble to walk without pain again after days of bed rest...now for this son of mine to make his grand entrance any day now,” wika ni Rachel, nakasama sa World’s Sexiest Woman ng FHM at may Twitter account na Knockout Queen.

Samantala, posible namang makalaban ni Donaire sa isang rematch si Vic Darchinyan sa Nobyembre para sa muli niyang pag-akyat sa boxing ring matapos matalo kay Guillermo Rigondeaux noong Abril.

Pinabagsak ni Donaire si Darchinyan sa fifth round para agawin sa Armenian ang mga suot nitong IBF at IBO flyweight titles noong Hulyo ng 2007.

vuukle comment

ABRIL

DONAIRE

FILIPINO FLASH

GUILLERMO RIGONDEAUX

KNOCKOUT QUEEN

RACHEL

RACHEL MARCIAL

SEXIEST WOMAN

VIC DARCHINYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with