^

PM Sports

Irish Valenzuela milyunaryo na

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinuhos ni LPGMA-American Vinyl rider Irish  Valenzuela ang kanyang lakas sa stage 15 para  agawin ang huling stage 16 bilang kanyang victory lap na simbolo ng pagiging kampeon sa 2013 Ronda Pilipinas na nagtapos kahapon sa Burnham Park, Baguio City.

Matapos ang 16-stage, 21-day karera sa pagbibisikleta, ang 25-anyos na si Valenzuela ay nakalikom ng kabuuang tiyempo na 55 hours, 18 minutes at 52 se-conds upang makamit ang kauna-unahang kampeonato sa multi-stage na bikathon.

 â€œMatapos ang mahabang paghihitay, pagpapasakit at sakripisyo sa pagsasanay, nakuha ko rin ang panalong inasam ko,”  wika ng tubong Tabaco, Albay na si Valenzuela na ibinulsa ang P1 milyong unang gantimpala.

Sa Stage 15 na pinaglabanan noong Huwebes, nasel-yuhan ni Valenzuela ang tagumpay nang  dominahin ang 34-km individual time trial race mula Pugo, La Union hanggang Burnham Park.

Nasa ikatlong puwesto at napag-iiwanan ng 33 segundo ng dating lider na si Ronald Oranza ng PLDT-Spyder, kumaripas si Valenzuela sa pagpedal at pinaamo ang mga ahunan tungo sa pagsumite ng nangungunang isang oras, 23:18 minuto para lumayo ng mahigit na dalawang minuto sa mga karibal.

Si Valenzuela na isi-nuot din ang yellow jersey mula stage five hanggang nine, ay sumabay lamang sa agos kasama ang mga karibal para palitan si Mark Galedo ng Roadbike Phl na kampeon sa nagdaang edisyon.

May ningning pa rin ang labang naipakita ng  20-anyos na si Oranza na yellow jersey holder mula stage 10 hanggang 14, dahil tumapos siya sa pangatlong puwesto sa pangkalahatan sa 55:21:00 tiyempo.

Kinilala rin siya bilang Best Young Rider ng karera. Nakisalo naman sa nagdiwang si Jan Paul Morales ng Navy-Standard na siyang nanguna sa huling lap sa oras na 1:43:47.

vuukle comment

AMERICAN VINYL

BAGUIO CITY

BEST YOUNG RIDER

BURNHAM PARK

JAN PAUL MORALES

LA UNION

MARK GALEDO

MATAPOS

ROADBIKE PHL

VALENZUELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with