^

True Confessions

Yaya Ruth (3)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KAILAN ka puwedeng magsimula, Ruth?” tanong ni Sir Rafael matapos siyang interbyuhin nito.

“Ngayong araw din po, Sir. Dala ko na po ang mga gamit ko.”

“Mabuti. Pero bago ka magsimula, may patakaran lang ako rito…”

“Kahit ano po, Sir,” sagot ni Ruth, sabay sulyap sa Rolex ng amo.

“Pagpatak ng alas-dose ng hatinggabi, ikandado mo ang pinto ng kuwarto mo. Kahit anong marinig mong kaluskos o iyak sa labas, huwag na huwag kang lalabas hanggang sumikat ang araw.”

Tumango si Ruth nang may inosenteng ngiti. Ngunit nang makapasok sa sariling silid, napangisi siya. Alas-dose. Ibig sabihin, tulog na ang lahat at nagkukulong na sa kuwarto ang mga tauhan ng mansyon. Perpektong oras para hanapin ang vault at limasin ang pera at alahas ng pamilya.

 

KINAGABIHAN, pagsapit ng alas-dos ng madaling araw, dahan-dahang lumabas si Ruth. Suot niya ang manipis na nightgown handang mang-akit sakaling mahuli siya ni Sir Rafael. Ngunit bago pa niya mara­ting ang library at office ni Rafael, napahinto siya sa tapat ng kuwarto ni Parker, ang limang taong gulang na anak na lalaki ng mag-asawa na hindi pa niya nakikilala. May kakaibang lamig na sumisingaw sa ilalim ng pinto nito na tila isa itong refrigerator. Sinubukan niyang pihitin ang napakalamig na doorknob. Hindi naka-lock. Sumilip siya sa madilim na silid. Liwanag mula sa TV ang tanging nagbibigay ng ilaw sa kuwarto pero walang palabas mula rito tanging static lang. Napansin niya si Parker na nakatulala sa TV na tila may pinanonood na siya lang ang nakakakita. Nang maramdaman ng bata na may tao sa pinto, lumingon ito. Kinilabutan si Ruth dahil ulo lang nito ang pumihit para lumingon.

“Ikaw ba ang bagong yaya ko?” tanong nito.

“Oo, ako si Yaya Ruth.”

“Ang bango mo naman Yaya Ruth.”

Nanlamig ang batok ni Ruth sa sinabi ng bata. Bago pa siya makagalaw, isang mainit na palad ang tumakip sa kanyang bibig, sabay kabig sa baywang niya palayo sa pinto. Si Rafael. Wala itong suot na pang-itaas, basa ng pawis, at nakatitig sa kanya nang may halong pagnanasa at lagim.

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with