^

True Confessions

Kaibigan (221)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nagulat sina Dex at Lara sa pagdalaw ni Lorna, classmate ni Lara na nag-ahente sa kanila ng lupa. Nagtaka ito nang makitang resort na ang binentang lupa.

“Akala ko gagawin ninyong farm ito, Lara. Tataniman n’yo ng fruit-bearing trees at iba pang medicinal plants?’’ tanong ni Lorna. Nasa opisina sila. Mula roon ay tanaw ang resort na dagsa ang tao.

“Nagbago kami ng pasya Lorna. Kasi hindi mo naman sinabi na kalsada pala ng bukal itong lupa. Pero sa­lamat dahil mas napaganda namin ang lupang ito.’’

Napamaang si Lorna. Nasa mukha ang pagtataka sa sinabi ni Lara.

“Anong kalsada ng bukal, Lara? Hindi ko maintindihan.’’

“Nakita namin na may mga bukal ang lupa. Mga buhay na bukal kaya nagpasya kami ni Dex na gawin na lang resort at eto umuunlad sa awa ng Diyos. Salamat at nabili namin ito Lorna.’’

“Lara, walang bukal ang lupang ito. Nainspeksiyon ko itong mabuti bago binenta sa inyong mag-asawa. Kasi nga ang sabi ninyo ay tataniman ninyo ng mga prutas. Imposibleng magkabukal dito.’’

Nagkatinginan sina Lara at Dex.

“Hindi ako maaring magkamali Lara. At saka hindi kita lolokohin dahil matagal­ na tayong­ magkakilala.

Walang bukal dito,’’ sabi pa ni Lorna na ang boses ay seryosong-seryoso.

“Pero nakikita mo naman ang katibayan Lorna na isang malaking resort ang ipinagawa namin dahil nga masagana ang tubig na bumubukal.’’

“Malaking kababalaghan ito Lara. Hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng bukal dito.’’

“Pero okey lang Lorna. Mas gusto namin ang nangyari. Wala kang dapat ipag-alala.’’

“Salamat Lara. Pero mag­­tatanong pa rin ako sa dating may-ari ng lupang ito. Tata­wagan ko sa U.S. mamaya at itatanong ko kung may bukal sa lupang binenta nila.

“Sige Lorna. Pero ipaliwa­nag mong mabuti at saka sabihin mo sa may-ari na masayang-masaya kami dahil sinuwerte kami sa lupang ito. (Itutuloy)

vuukle comment

KAIBIGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with