^

True Confessions

Kaibigan (217)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang ideya ang biglang pumasok kay Dex at agad tinungo si Lara na noon ay nagluluto.

“May naisip na akong gagawin sa ating nabiling lupa, Lara!’’ sabi niya na iki­nagulat ni Lara.

“Nakakagulat ka naman! Anong naisip mo?’’

“Gawin nating resort ang lupa!’’

“Resort? Paano?’’

“Ipahuhukay natin at lalagyan ng swimming pool. Magpapagawa tayo ng mga cottage. Sa lawak ng lupa, maraming cottage na magagawa roon. Kapag summer, tiyak na marami tayong customer. Tiyak na madaling makikita ang resort dahil malapit sa highway. Ang bahagi ng lupa na walang bukal, tataniman natin ng mga puno na namumunga—lansones, suha, rambutan, dalandan at kung anu-ano pa. Ano sa palagay mo?’’

Hindi agad nakasagot si Lara. Nabigla siya sa ideya ni Dex pero sa kabilang ba­hagi ng kanyang utak ay may katwiran ang asawa. Sa pag­kaalam niya, maraming­ resort sa Nagcarlan at pa­wang pumatok. Paboritong pi­­nupuntahan ng mga tao kapag summer. Malamig ang tubig at nakakarelaks.

“Bakit natahimik ka Lara? Hindi ba okey sa iyo ang ideya ko?’’ tanong ni Dex.

“Okey ka sa akin, Dex. Pero hindi kaya tayo mahi­rapan sa ganyang business? Im mean, wala tayong karanasan sa pagpapatakbo ng ganyan.’’

“Mag-i-inquire ako at baka may short course sa TESDA kung paano mag-manage ng ganitong business.’’

“Dapat ba nating ipasuri ang lugar para malaman natin kung talaga bang fit ito para sa resort. Baka matuyuan e mapahiya tayo.’’

“E di ipasusuri ko sa mga eksperto. Madali lang yan. Pero palagay ko, buhay na buhay ang tubig dun. Parang may kalsada ng tubig na naglandas sa ating lupa. Kapag natiyak­ nang fit bilang resort, mag­papatayo na tayo ng mga cottage at siyempre dapat may restaurant din.’’

Nag-imagine na si Lara. Mukhang tama si Dex. Napi-feel niya na aasenso ang resort.

“Anong ipapangalan natin sa resort, Dex.’’

“E di KING RESORT.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

KAIBIGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with